Sunday, 12 August 2007

UAAP Season 70 experience - UST vs DLSU

At last after several years, natalo na rin ng USTe ang La Salle sa Men's basketball. I remember it well nung natalo ang UST sa DLSU nung 1999. Yun ung muntik nang magchampion ang UST kasi lamang kami ng 3 pts nun tapos ilang seconds na lang ang natitira sa regulation. Sobrang saya namin nun (kasama ko nun si Kitkat and Buban sa Cuneta Astrodome) kasi after the '97 Championship eh magchachampion na naman ang UST. Pero lahat ng celebration eh naunsyami kasi nag-3 pts si Dino Aldeguer (grrr!!!) kaya nag-overtime ung Game 2. At sa kasawiang palad eh natalo kami nun at pati Game 3. That's the start ng paghahari ng DLSU sa UST. Sabi nga sa mga newspapers, marami namang chances na pwedeng matalo ng UST ang La Salle nung mga previous years pero talagang malas lang sa end game.

Nung first round this season, kala ko mananalo na kami kasi ang laki na ng lamang ng UST nun against DLSU. Di ko nga lang nasubaybayan ung laro kasi may monthly finals din ako nun sa QCBA. Sa madaling salita, natalo na naman. Sayang talga un!

So kahapon, dumating ung isa na namang paghaharap ng UST and DLSU. Friday pa lang ng 10am pumunta na ako sa Araneta para bumili ng ticket kasi based sa mga nababasa ko sa mga forums eh nagkakaubusan na raw ng tickets. Pagdating ko dun marami pa naman. Yun nga lang di maganda ung pwestong binibenta sa Patron and Lower Box kasi raw binigay sa mga schools ung mga magagandang pwesto. Maganda naman ung area na naupuan ko kahit na sa may likod ako ng ring.

Maaga akong gumising para makapunta nang maaga sa Araneta. Para na rin mapanood ko ung first game which is NU vs UP. Sa totoo lang parang may jinx akong dala sa NU pag nanonood ako ng game nila kasi natatalo sila. Luckily, nanalo naman sila against UP. Naisip ko nga baka nabaligtan ung jinx baka naman sa UST mapunta un.

Maganda ang start ng UST nung first quarter. Lumamang sila ng 6 pts nun. Pero maaga yata ang celebration namin kasi by the end of the first quarter eh lamang na ang La Salle ng 1 point. After 2 quarters eh lamang pa rin ang La Salle. I enjoyed ung halftime show lalong lalo na ung halftime show ng Salinggawi. They really proved that sila pa rin ung school to beat in this year's Cheerdance Competition. I felt proud kasi Gawi un eh!

Natapos ang 3rd quarter lamang pa rin ang kalaban. At nung dumating ung fourth quarter eh kala ko uuwi ako nang luhaan at nafeel ko na napunta talaga sa USTe ung jinx na dala ko for NU. Yung katabi ko ngang taga-UST rin eh umalis na nung last 2 minutes na kasi nakikini-kinita na nila na talo na nga. Pero bilib talaga ako sa Yellow Jackets kasi talagang di sila tumigil sa pagchi-cheer. Ako naman nagdadasal na lang na kung sakali mang matalo kami eh mapababa lang ung lamang para di naman kahiya-hiya. Mukhang dininig ung mga dasal ko kasi nung last minute na lang eh parang may milagrong nangyari. From a 10 point deficit eh unti-unting nakahabol ang UST. Sobrang nabuhayan ng loob ung lahat ng UST fans nun! At talagang pati ako eh nagtatatalon sa tuwa! 69-67 ang score lamang pa rin ang La Salle tapos mga 30 secs na lang ata un. Pinagdadasal ko na sana magturn-over ang DLSU at nagkatotoo nga tapos nakashoot si Cortez! 69-all ang score 6 secs na lang ang natitira! Yahoo talaga kasi di ako makapaniwala na in less than 40 secs eh nakahabol kami!

And as you all know, the rest is history. Nanalo ang UST against DLSU sa OT after 7 years! At pareho kong napanood ng live ung start ng domination ng DLSU sa UST nung '99 at ung pagbreak ng UST dun sa pagdodominate nila sa amin ngayong 2007!

Hay... ang sarap ng feeling! Talagang 'GOD is a THOMASIAN!' hehehehehe...